Pag halik ng walang consent, ituturing na sexual assault sa Spain

Pinagpasyahan ng Korte Suprema ng Espanya na ang pag halik na walang consent ay isang sexual assault.

Dumating ang desisyon kasunod ng kaso ng former football federation chief na si Luis Rubiales na humalik kay star player Jenni Hermoso sa Women’s World Cup.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Bagama’t depensa ni Rubiales na consensual ang kanyang pag halik, nagdemanda si Hermoso at pinabulaanan ang mga sinabi ng hepe ng football federation.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Haharap si Rubiales sa Korte sa Pebrero.

Bukod sa kaso ni Rubiales, may nakulong at nahatulan din ng sexual assault na pulis dahil sa paghalik sa isang babae nang walang consent sa Espanya. (Brigada News Intern – Angela Brazas)