Sevi ng Cup of Joe, umalis na ng banda

Inanunsyo ng OPM band na Cup of Joe na aalis na sa grupo ang bassist nilang si Raphael “Sevi” Severino matapos makasama ito ng limang taon.

Sumulat ang OPM band sa kanilang mga tagasuporta upang ipaalam sa kanila na maghihiwalay na ng landas ang Cup of Joe at si Sevi.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Habang hindi binanggit ni Cup of Joe ang rason sa kanyang pag-alis, pinasalamatan pa rin nila ito para sa mga kontribusyon ni Sevi sa nakalipas na limang taon.

Read More:  Comedian Arnell Tamayo dies at 61

Kilala ang Cup of Joe sa mga kanta nito tulad ng “Tingin,” “Patutunguhan,” “Misteryoso,” at “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.” (Brigada News Intern – Teresa Arzobal)