‘Bagong Pilipinas’ Hymn at Pledge – pinalalagay ng Malacañang sa mga flag raising ceremonies

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng ahensya ng gobyerno, instrumentalities, mga GOCCs, at sa mga pampublikong paaralan kasama ang mga SUC na isama ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa lingguhang flag ceremony.

Sa memorandum circular no. 52 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na layunin nitong itanim ang prinsipyo ng Bagong Pilipinas sa mga kawani ng gobyerno.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Inatasan naman ang Presidential Communications Office o PCO na magpatupad ng mga epektibong hakbang upang ipalaganap ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at sa publiko,

Ang Bagong Pilipinas ay branding of governance ng administrasyong Marcos na inilunsad noong nakaraang taon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Base sa RA 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” inaatasan ang lahat ng opisina ng gobyerno kabilang ang mga LGU na magsagawa ng flag raising ceremony tuwing Lunes ng umaga at flag lowering ceremony tuwing Biyernes ng hapon.