PAGCOR, giniit na ‘di pinakamalaking banta ang POGO sa bansa

Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corp. na ang tunay na banta sa national security ay mula sa foreign hacking at scam syndicates, hindi sa lehitimo at lisensyadong offshore gaming operations.

Ayon kay Pagcor chairman and chief executive officer Alejandro H. Tengco, nakatulong ang lehitimong Internet Gaming Licensees sa pagpondo sa pamahalaan, na nakapag-ambag ng mahigit P5 bilyon sa gross revenues ng ahensya noong 2023.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Tiniyak din niya na mahigpit nilang tinututukan ang mga POGO na nasa ilalim ng kanilang ahensya.

Read More:  Philippine peso hits historic ₱64 per dollar

Mababatid na sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na maraming negosyong naghahayag na POGO ang mga ito subalit hindi tunay na POGOs.