BGYO, naglabas ng bagong single na “Gigil”

Opisyal nang inilabas ng BGYO ang kanilang pinakabagong single na “Gigil.”

Sa isang tweet, inanunsyo ng label ng BGYO ang “Gigil” ay umabot na sa no. 1 sa iTunes charts ng iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas, United Arab Emirates, at Saudi Arabia.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Bukod dito, kabilang din ang “Gigil” sa mga top trending topics sa Philippine Twitter, na may mahigit 18K posts habang isinusulat ito.

Read More:  Ate Gay remains in critical condition following septic shock, stroke

Ipe-perform rin ng BGYO ang bago nilang single sa opening night ng Volleyball Nations League sa Hunyo 18.

Maalalang apat na buwan na ang nakalipas nang i-release nila ang kanilang isa pang single na “Patintero.”