Israel nagpakawala ng airstrike sa isang eskwelahan sa Gaza, 40 patay

Patay ang 40 na Palestinian kabilang ang mga bata sa Gaza matapos magpakawala ng panibagong airstrike ang Israel sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees sa naturang lugar.

Nagsisilbi ito bilang refuges camp sa mga Palestinians sa Central Gaza.

Kuwento ng ilang Palestinians natutulog na sila ng mangyari ang airstrike.

Paliwanag ng Israel Military, nagpakawala lang sila ng airstrike matapos na mareport na walang civilian sa naturang eskwelahan.

Dagdag pa nila, doon nagtatago ang mga 30 miyembro ng Hamas kaya tinarget nila ang UN School.

Mariin namang kinondena ng United Nations ang aksyon ng Israel.

Nagbanta rin ang UN sa paglabag ng Israel sa International Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *