China, ibinida ang kanilang robot dogs sa joint military exercise

Inilunsad ng China ang kanilang bagong kagamitan para sa kanilang military operation sa ginanap na joint military exercise kasama ang Cambodia.

Tinawag itong Golden Dragon 2024 na mayroong timbang na 15kg.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Mayroon din itong 4D wide-angle preception system, at mabilis gumalaw at umiwas kaya madaling mararating ang target.

Ayon sa China, puwedeng gamitin ang robot dogs sa mga operasyon kagaya ng pag-atake sa kalaban.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Tingin ng ilang eksperto, may tapatan ang China at Amerika sa robotics pagdating sa pagpapa-igting ng kanilang militar.

Mababatid na noong nakaraang taon, ipinamalas ng US Marine Corps ang kanilang robotic goat na mayroong rocket launcher.