Pamilya ni Eva Darren tinanggap ang paumanhin ng FAMAS

Tinanggap ng pamilya ni Eva Darren ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng FAMAS sa nangyaring aberya sa awards night.

Nangayari ang isyu matapos na punain ni Divina Valencia ang kawalan ng respeto ng mga bumubuo ng FAMAS sa kapwa niya beteranang aktres na si Eva Darren.

Ayon kay Eva hindi katanggap tanggap ang ibinigay na dahilan ng pamunuan ng FAMAS na hindi nila makita si Eva sa loob ng venue kaya pinalitan nila ito bilang award presenter, kasama ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III.

Ang ipinalit kay Eva ay ang baguhang singer na si Sheena Palad.

Sinabi ni Divina ang puwesto ng kanila ng mesa ay halos katabi ng stage at may pangalan ang upuan ng lahat ng artistang dumating.

Kasunod nito ay binatikos ni Divina ang FAMAS dahil nagbayad ang mga umattend para sa kanilang dinner at sa ibang pinarangalang wala naman umanong kinalaman sa movie industry.

Naglabas naman ng pahayag ang baguhang singer na si Sheena. Giit niya nakakatanggap siya ng mga panghaharrass at masasakit na salita online.

Si Eva Darren ang hinirang na best supporting actress sa 18th FAMAS noong 1970 dahil sa kanyang mahusay na pagganap para sa Ang Pulubi