Pangulong Marcos, nakipagpulong na kay Brunei Sultan Bolkiah

Nagkausap na sina Pangulong Bongbong Marcos at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah matapos ang kanilang naging bilateral meeting ngayong Martes na ginanap sa Istana Nurul Iman.

Naging sentro ng kanilang usapin ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, gayundin ang international issues, paglagda sa ilang kasunduan para sa tourism cooperation.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Gayundin ang International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers o STCW Convention, maritime at agricultural cooperation.

Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang delagado sina House Speaker Martin Romualdez, Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo, Philippine Ambassador to Brunei Darussalam Marian Jocelyn Tirol-Ignacio at si First Lady Liza Araneta Marcos.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Bago ito, binigyan si Pangulong Marcos ng 21-gun salute at inspection of the guard honor.