Bilang ng na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa WPS, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Navy spokesperson for the WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, mayroong 122 Chinese vessels ang namonitor sa walong isla mula May 21 hanggang 27.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Mas mababa ang bilang na ito sa 153 Chinese vessels na namonitor noong May 14 hanggang May 20.

Pinakamaraming namonitor na presensiya ng Chinese Maritime Militia vessels sa Pag-asa islands sa 34.

Namonitor din doon ang 1 People’s Liberation Army Navy Vessel at 1 Chinese Coast Guard Vessels.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sumunod ang sa Sabina shoal sa 30 CMMV, 4 na PLAN at 2 CCGV.

Ayungin shoal sa 17 CMMV, at 5 CCGV.

14 na CMMV at 5 CCGV sa Bajo de Masinloc.

May na-monitor din presensiya ng CMMV sa mga isla ng Panatag, Patag, Lawak at Kota.