DICT, pinaboran ang pag-regulate ng TikTok sa bansa

Bukas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagsasaayos ng social media platform na TikTok, gayundin sa iba pang mga application na posibleng magamit para sa mga ilegal na aktibidad.

Ginawa ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy ang pahayag kasunod ng paghahain ng panukalang batas sa House of Representatives na naglalayong ipagbawal ang mga application na “foreign adversary-controlled” sa Pilipinas tulad ng TikTok.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Gayunpaman, sinabi ni Dy na ang mga naturang application na posibleng magamit para sa espionage, ay dapat na i-regulate muna bago ito tuluyang i-ban sa bansa.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Bukod pa sa TikTok, binabantayan din ng DICT ang messaging app na Telegram dahil ginagamit umano ito para mag-leak ng database information mula sa mga na-hack na website ng gobyerno.