NAGA CITY – Natanggap na ng Irrigators Association sa ilang bayan sa Camarines Sur na kabilang sa contract farming ang libreng palay seeds at iba pang farms inputs bilang paunang tulong sa mga magsasakang nais nang magtanim ngayong umuulan-ulan na, gaya ng mga miyembro ng Libmanan-Cabusao Pump Irrigation System, na may 400 bag ng palay seeds na naipamigay na noong nakaraang linggo.
Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Maria Cleofe Baraero, Public Relation Officer ng National Irrigation Administration–Bicol na marami pang magsasaka ang nakatakda nilang bigyan sa pamamagitan ng Irrigators Association na kinabibilangan ng mga ito.
Sa naturang dalawang magkatabing bayan, maraming mga magsasaka ang grabeng naapektuhan ng matinding init ng panahon lalo na iyong mga nagpahabol pa sa pagtatanim at mga hindi na naabot ng tubig mula sa irigasyon,maliban sa iba pang lugar sa Camarines Sur na may ekta-ektarya ding palayan ang natuyo,bagamat nakapag ani na ang mayoriya sa kanila.