Pagkakabilang ni PBBM sa ‘di umano’y ‘PDEA list’ – tinawanan lang ng presidente

Tumawa lang si Pangulong Bongbong Marcos nang matanong ng media patungkol sa issue ng pagkakasangkot umano ng kanyang pangalan sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Lumabas kamakailan sa senate hearing na di umano’y kasama ang pangalan ng Pangulo sa listahan ng mga umano’y gumagamit ng ilegal na droga.

Nag-ugat ito sa isang dokumento na ipinost ng isang vlogger, na nagpapakita na target ng operasyon ang isang alyas “Bonget” Marcos.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Una na ring itinanggi ng PDEA na wala silang ganitong uri ng operasyon.