DFA: hindi totoong nagpapagamit ang PH sa ibang mga bansa sa isyu sa WPS

Hindi nagpapagamit ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa isyu sa West Philippine Sea.

Ito ang binasang pahayag ni DFA Assistant Secretary Marshall Louis Alferez sa National Security Cluster Communications ng Bagong Pilipinas” Media Engagement and Workshop mula kay Department of Foreign Affairs Secretary (DFA) Secretary Enrique Manalo.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Giit ni Manalo, pinalalabas ng ilang foreign countries na isinasangkalan lang ang Pilipinas sa laban ng mga “superwpower” sa WPS.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Napakalayo aniya nito sa katotohanan.

Ang ganitong mga paniniwala umano ay paraan lang para manipulahin ang mga Pilipino na mawalan ng interes sa isyu ng bansa sa pinag-aagawang katubigan.