Muli na namang kumalat sa social media ang pekeng pa-ayuda ng Department of Education (DepEd).
Nagbabala ang Kagawaran sa umano’y cash assistance para sa mga graduating students.
Sa pekeng post – sinabing mayroon umanong hanggang P8,000 na ayuda ang mga graduating students.
Ang kailangan lang – magbigay ng PSA, good moral, certificate, at report card.
Sabi ng DepEd – ‘di ito tooo, at hindi dapat kagatin ng mga netizens.
Matatandaang ‘di ito ang unang mayroong kumalat na pekeng pa-ayuda sa Facebook.