‘Gentleman’s agreement’ – posibleng maging bala ng China para ipaglaban ang claims sa WPS

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na tila isinuko na nga ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang tertitoryo ng Pilipinas sa China sa ilalim ng ‘gentleman’s agreement.’

Sa panayam ng Brigada News FM kay Hontiveros, muling iginiit nito na sakaling totoo ang kasunduan – katraydoran ito sa Pilipinas.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Idiniin ng senadora na posibleng napalakas pa lalo ni Duterte ang China dahil sa kasunduan

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kaugnay nito, nakapanlulumo aniya na tila binibigyan ng umano’y ‘gentleman’s agreement’ ng bala ang Beijing para ipilit ang ‘walang-basehan’ na claims nito sa West Philippine Sea.

Sa huli, binigyang-diin ng mambabatas na napaliligiran na ang bansa ng China.