‘Gentleman’s agreement’ – non-binding ayon kay Batongbacal

Sang-ayon si International Maritime Law Expert Atty. Jay Batongbacal na imbestigahan ang sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Sa panayam ng Brigada News FM kay Batongbacal, sinabi nitong ‘non binding’ ang ipinipilit na kasunduan.

Naniniwala ang opisyal na hindi maitatali ng China ang Pilipinas dahil sa ‘gentleman’s agreement’ na ito.

Read More:  Former Pres. Rodrigo Duterte appears before ICC judges after 18 months in detention

Dahil diyan, hindi rin aniya dapat ipilit ng China na silipin o pag-aralan ng bansa ang ginawang treaty sa pagitan nila ni dating pangulong Duterte.
#