ESEOC at Mobile Energy System na magagamit sa panahon ng kalamidad, inilunsad ng DOE

Inilunsad ng Department of Energy ang kanilang Energy Sector Emergency Operations Center o ESEOC at ang Mobile Energy System o MES kaninang umaga.

Ayon kay Energy Secretary Rafael Lotilla, ang ESEOC ay isang centralized energy command hub na equipped ng makabagong technological innovations mula Europe at Amerika.

Gagamitin ito para sa pag monitor, assess at coordinated responses sa iba’t-ibang energy-related emergencies, kasama na ang natural disaster, grid failures, at maging sa oras na merong cyber security threat.

Habang ang dalawa sa walong Mobile Energy System ay naka posisyon sa DOE kung saan gagamitin bilang backup na kuryente para sa energy sector emergency operation center.

At ang iba naman ay idi-deploy sa iba’t ibang ahensya sa pagitan ng Hunyo at Agosto ng taong ito.

Paliwanag ni Lotilla ang kada unit ay merong 50kwh battery storage, kapag fully charged kaya nitong mapagana ang 2 tv sets, 2 aircon, 10 lightbulbs, 2 desktop computers, 2 laptops, 5 phone charges, 5 electric fan at isang modem sa loob ng halos labindalawang oras.

Nakatakdang sumailalim sa pilot run ang mobile energy system units sa mga bayan ng Sta.Ana at Lallo, Cagayan na madalas daanan ng bagyo.

Ang mga nabanggit na proyekto ay bahagi ng 34Million dollar energy secure Philippine activity ng USAID sa pakikipag tulungan sa DOE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *