Senador: magpabakuna laban sa pertussis

Inamin ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go sa naging panayam sa kanya ng Brigada Manila Team na nababahala siya sa pagdeklara ng ilang lugar sa bansa ng ‘state of calamity’ dahil sa pertussis outbreak.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Kaugnay nito, hinikayat niya ang publiko na magpabakuna upang maiwasan at malabanan ang kaso ng pertussis o whopping cough sa bansa.

Ayon kay Go, importanteng magkaroon ng booster ang mga bata lalo na’t sila ang target ng sakit na ito at libre naman din ang pag-administer nito.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Dagdag pa niya, handa naman din siyang respetuhin ang anumang magiging desisyon ng Department of Education (DepEd) tungkol sa school calendar.