Lalaki pinag-sasaksak ng kapitbahay sa Tiaong, Quezon

Saksak ang inabot ng isang lalaki sa kapitbahay nito sa Sitio Villa Barangay San Juan, Tiaong, Quezon nitong Huwebes, Marso 21.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima sa eskinita ng nasabing lugar naharangan nito ang dadaanan ng suspek hanggang sa nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Tumakbo ang suspek sa bahay nito at kumuha ng kutsilyo tsaka binalikan ang biktima at walang habas itong pinagsasaksak sa katawan ang biktima, agad naman itong naisugod sa hospital upang lapatan ng lunas.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Samantala, tumakas naman ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungong Candelaria, Quezon.

Sa ngayon, dating away ang tinitingnang motibo sa krimen at patuloy pa ring pinaghahahanap ang suspek.