Death toll sa Sulu plane crash, umakyat pa sa 53

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Cirilito Sobejana na pumanaw na rin ang isa sa mga sugatang sundalo sa nangyaring Philippine air force plane crash sa Sulu, habang ginagamot ito sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Dahil dito, umakyat pa ang death toll ng insidente sa 53, kung saan 50 ang military personnel at tatlo ang sibilyan.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ayon kay Sobejana, ang chemical burns na tinamo nito sa kanyang mukha ang sanhi ng pagpanaw ng isa pang sundalo.

Paliwanag ng opisyal, posible umanong nalanghap nito ang usok, dahilan para lumala ang kanyang medical condition. // MHEL PACIA-TRINIDAD