PAF, nilinaw na hindi overloading ang dahilan sa C-130 crash

Binigyang diin ni Philippine Air Force spokesman Lt. Col. Maynard Mariano na hindi overloaded ang C-130 transport plane na bumagsak noong Linggo sa Sulu, kung saan lulan ang 96 katao.

Paliwanag ni Mariano, pasok sa operational limits at capacity ang aircraft nang umalis ito sa Laguindingan Airport sa 96 pasahero, kumpara sa maximum capacity nito na 120 pasahero.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ito umano ay taliwas sa lumalabas na mga usap-usapang ang naturang C130 ay overloaded.

Samantala, ang team naman ng 220th Airlift Wing Aircraft Accident Investigation Board, na binubuo ng mga piloto, maintenance, medical at iba pang technical personnel, ay nasa site na para imbestigahan ang insidente.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Nangako naman ang PAF na gagawa ng corrective actions, batay sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Ibinahagi rin ng PAF na pinaigting na nila ang kanilang flight safety management measures sa ilalim ni Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes noong 2020 sa pamamagitan ng Safety Transformation for Enhanced Performance and Unit Preservation, o STEP UP, program. // MHEL PACIA-TRINIDAD