Inflation, bumagal sa 4.1 percent ngayong Hunyo ayon sa PSA

Bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo nitong Hunyo matapos ang tatlong magkakasunod na buwan na nakapagtala ang bansa ng flat reading.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Claire Dennis Mapa na umabot sa 4.1 percent ang inflation noong nakaraang buwan, mas mabagal kaysa sa 4.5 percent rate na naitala noong May, April, at March.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Dahil dito, 4.4 percent ang average inflation ng bansa sa unang quarter ng 2021, mas mataas pa rin sa target band ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sinabi ni Mapa na ang dahilan ng pagbaba ng inflation noong June ay ang mabagal na paggalaw ng Transport index na nasa 9.6 percent na mayroong share na 95.4 percent sa pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.