Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Basud sumampa na sa 81

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 81 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay makaraang makapagtala ng siyam na pinakabagong kaso ng sakit sa naturang bayan noong weekend.

Sa bilang na ito 19 ang aktibong kaso na nagmula sa mga barangay ng Poblacion 2 na mayroong  siyam, apat sa Mandazo tatlo sa Poblacion 1 habang mayroong tig- iisa sa  San Felipe, Langga at Mampili.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa 81 total confirmed cases, 76 % ang gumaling na sa sakit, 21 % ang aktibong kaso habang 3 % naman ang nasawi.

Sa 29 na barangay sa naturang bayan, ang Barangay Poblacion 1 ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na may 18 habang 16 naman sa Barangay Poblacion 2.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Labing limang Barangay naman ang wala pang naitatalang kaso ng sakit.

Patuloy naman ang paalala ng Lokal na Pamahalaan na sundin ang mga health protocols kontra COVID- 19.