COMELEC – aminadong patung-patong na ang trabaho para sabayan pa ng Cha-Cha

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na mahihirapan talaga ang ahensya kung may biglaang ipapasok na mga gawain, sa gitna ng kanilang paghahanda sa iba’t ibang aktibidad.

Ito ay kaugnay ng ilang mga hakbang na pinaghahandaan ng Comelec, gayundin ang isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon kung saan nakaatas sa kanila ang malaking bahagi ng verification process.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, punong-puno na ang kanilang pinggan dahil sa dami ng trabaho.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Maliban dito ay may mga nilalatag ding proytekto ang komisyon para sa mga OFWs.

Mahirap man daw ang patong-patong na aktibidad na sinabayan pa ng planong pagbabago sa 1987 Constitution, tiniyak ng opisyal na gagampanan nila ang kanilang mandato.