DepEd, pinalawig ang SHS program sa mga SUCs at LUCs hanggang SY 2024-2025

Pinalawig ng Department of Education ang voucher para sa school year 2024-2025 sa mga state and local universities and colleges.

Ayon kay DepEd Usec. at Spokesperson Micheal Poa, inaasahan na 17,751 na mag-aaral ang papasok ng Grade 11 sa susunod na school year kaya nag desisyon ang ahensya na i-extend ang voucher para makapag-aral ang mga ito.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa isang memorandum of agreement napagkasunduan ng DepEd at ng Commission on Higher Education na ta-tanggapin nila ang mga papasok na Grade 11.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Tiniyak naman ng ahensya na hanggang sa pagtungtong nila ng Grade 12 ay libre pa rin silang makakapag-aral sa SUCs at LUCs.