Senador:economic provision lang ang tatalakayin sa Senado

Nilinaw ni Senador Win Gatchalian na ang economic provision lang ng kasalukuyang konstitusyon ang kanilang tatalakayin at pagdedebatehan sa Senado.

Ito ay matapos hinggin ni Pangulong Bongbong Marcos sa Senado na sila na ang mangunguna sa pagre-review nito.

Read More:  Family appeals for help as Filipino doctor Juan Carlos Manalo remains missing in Nepal

Ayon kay Gatchalian, sa gagawin nilang pagdinig ay hindi nila tatalakayin ang politikal na aspekto ng konstitusyon.

Ito ay taliwas umano sa mga fino-‘flaunt’ o pinagmamayabang ng ilang congressman upang malinlang ang ilang lokal na pamahalaan na kumuha ng pirma.

Read More:  Rep. Benny Abante again challenges VP Sara Duterte to face impeachment trial

Samantala, naniniwala umano si Gatchalian na hindi pa ito maaprubahan sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo dahil sa mahaba-habang oras na kailangang igugol dito.