Modernisasyon ng Civil Defense capabilities, target ng OCD

Target ngayon ng Office of the Civil Defense OCD na magpatupad modernisasyon sa kanilang kagawaran.

Ito’y matapos ang isinagawang pagpupulong ng mga opisyal ng naturang ahensya na pinangunahan ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa pulong, tinalakay ang augmentation ng mga DRRM team, pagtatatag ng karagdagang pasilidad tulad ng mobile command centers, at pagpapalakas ng ugnayan sa iba’t ibang sektor.

Napag-usapan din ang paglulunsad ng Civil defense training institute, pagpapalakas ng mga sistema ng OCD, at pagbuo ng resilience master plan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Layunin nito na mas pagtibayin pa ang civil defense at disaster risk reduction and management capabilities ng ahensya para sa mas magandang serbisyong maiaalok nito sa taumbayan sa tuwing panahon ng kalamidad ngayong taon.