DA, ilalatag ang mga programa sa sektor ng agrikultura sa susunod na linggo

Mas palalawakin pa ng Department of Agriculture (DA) ang produksyon ng pagkain o agricultural products ngayong taon sa pamamagitan ng paglilikha ng mas maraming trabaho para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ito ay ilan lamang sa mga pagtutuonan ng mga programang nakatakdang ilatag ng kagawaran sa mga susunod na linggo.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ibabahagi nito isa-isa ang mga estratihiya para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura.

Kabilang na rito ang modernisasyon ng agrikultura at pagkamit ng food security sa kabila ng paglilimita o pagbabawas ng mga produktong inaangkat sa ibang bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kung maalala, malaking dagok naman sa mga ikakasang programa ng ahensya ang inaasahang matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan kung saan una ng bumuo ang pamahalaan ng Task Force El Niño para matiyak na mababantayan at agad na narerespondihan ang pangangailangan ng mamamayan sa banta ng tagtuyot.