Total COVID-19 active cases sa Isabela, bumaba sa 903

Bumaba sa 903 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela mula sa dating 1,055 noong June 25, 2021.

Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, June 28, nakapagtala ang probinsya ng 13 new cases, 53 na new recoveries at isang nasawi.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ang Cauayan City ang nananatiling may pinakamataas na aktibong kaso na mayroong 122 active cases bagaman bumaba na sa low epidemic risk classification.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Sinundan naman ito ng bayan ng Tumauini na mayroong 88 active cases.

Sa ngayon ayon naman sa DOH Region 2, ang buong lalawigan ng Isabela ay naikategorya na sa low risk classification.