22-anyos na high profiled drug personality, timbog sa buy-bus ops ng PNP Cabatuan

Timbog ang isang 22-anyos na high profiled drug personality matapos ikasa ang anti-illegal drug buy bust operation  sa Barangay Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christian Paul Malabad, binata at residente ng Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Isinagawa ang naturang operasyon ng magkatuwang na pwersa ng PIU, PDEU at PNP Cabatuan sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO2 laban sa suspek kung saan nakumpiska sa kaniya ang 10 piraso ng pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang marijuana.

Nakuha rin kay Malabad ang isang homemade shot gun, isang bala, 12 gauge shot gun at isang cellphone.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ikinustodiya ang suspek sa Cabatuan Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.