Party-list solon, kinondena ang brutal na pagpatay sa isang OFW sa Jordan

Kinondena ng isang partylist group ang brutal na pagpatay sa OFW na si Mary Grace Santos sa Jordan.

Sa isang pahayag, binigyan-diin ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang pangangailangang bigyan ng ngipin ang mga polisiyang nagpoprotekta sa ating mga OFWs.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Matinding hamon aniya sa pamahalaan na gumawa ng konkreto, komprehensibo, at pangmatagalang solusyon sa paulit-ulit na suliraning ito.

Si Santos na isang caregiver ay natagpuang patay sa isang diesel tank sa bahay ng kanyang amo sa Jordan.

Ayon sa mga otoridad, ginahasa at sinakal umano ang Pinay hanggang sa mapatay ito.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Ang suspek ay anak ng katrabaho ng biktima na isang menor-de-edad.

Sa ngayon ay nahuli na ang suspek sa insidente.

Inaasahan naman darating sa Pilipinas ngayong araw ang labi ng biktima.