Pagdeklara ng ‘PNG’ sa bandang Kamikazee, pinigilan ng gobernador

Pinigilan ni Gov Boboy Hamor, ang plano ng Sangguniang Panlalawigan na ideklarang ‘persona non grata’ (PNG) ang bandang Kamikazee.

Sa facebook post ni Sangguniang Panlalawigan Member Roland Anonuevo, nagsponsor sana ng Resolution sa kanilang regular session noong Lunes si Liga President Joart Enano para ideklarang persona non grata ang nasabing banda subalit hindi na ito natuloy matapos na tawagan di umano ng gobernador ang nasabing Bokal at pinakiusapan na huwag nang magpasa ng naturang Resolution.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Pangunahing dahilan na ibinigay ng opisyal ay ayaw na nitong palalain pa ang sitwasyon.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Mababatid na ang isyu hinggil sa Kamikazee ay nag-ugat ng hindi ito pinayagang magperform ng Gobernador sa mismong gabi ng kanilang konsiyerto sa bayan ng Casiguran dahil sa umano’y pagkakaroon ng ‘attitude’ at pagiging bastos ng nasabing banda.