Kampo ni dating Pang. Arroyo, kumpyansang mababasura ang kaso sa Ombudsman hinggil sa isyu ng Malampaya

Nanindigan ang kampo ni dating pangulo at ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na lehitimo ang lahat ng mga paggasta sa Malampaya Natural Gas Funds sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ito ay makaraang maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang National Association of Energy Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) at Konsyumer Alliance, Inc., dahil sa umano’y illegal disbursement ng P38 Billion na Malampaya Fund.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty Ferdinand Topacio na lahat ng nagasta noon ni Arroyo ay naaayon sa batas.

Nanindigan din si Topacio na wala raw ginawang mali si Arroyo kaya naman kumpyansa siyang mababasura rin ang mga naturang akusasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *