Reclamation projects Manila bay, nagpapatuloy pa rin

Namataan ng grupo ng mga fisherfolks na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang pagpatuloy ng reclamation projects sa Manila Bay.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Pamalakaya, namataan nila ang mga sasakyang pandagat na nagsasagwa ng dredging operations sa mga munisipalidad ng Cavite sa Rosario, Noveleta, Tanza, at Naic.

Read More:  NBI raids Valle Verde houses linked to Velascos

Dagdag pa ng grupo, nawawalan ng humigit-kumulang 80 hanggang 90 porsiyento ng pang-araw-araw na kita ang mga mangingisda sa Cavite mula nang magsimula ang mga dredging activies noong 2020.

Read More:  Rovelyn Baterbonia clarifies P30 entrance fee at Rene Baterbonia’s mini museum

Giit naman ni Pamalakaya Chairperson Fernando Hicap, nagpapatunay lamang ito na walang ngipin o hindi gaano kahigpit ang deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa pagtigil ng mga proyekto.