OLONGAPO-Nabakunahan na kontra corona virus disease ang pitumput apat na pulis sa lungsod ng Olongapo.
Gamit ang bakunang gawa ng sinovac, unang naturukan ang dalawampung pulis sa health unit ng pnp, nasundan ng limampu pang personell na madalas na nakakasalamuha ng publiko at mga may comorbidities.
Ayon kay City Police Deputy Dir. Pltcol.Preston Bagangan,wala ni isa man sa mga unang nabakunahan ang nakaranas ng malalang side effects pagkatapos turukan ng anti-covid19 vaccines.
Base sa tala, dalawamput tatlong pulis na ang fully vaccinated na at limamput isa naman ang nakapagpa-1st dose na.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
