Chinese spy balloon noong Pebrero nagpatindi ng tensiyon sa pagitan ng China at US

Binuksan muli ang naganap na isyu sa Chinese spy balloon na naging dahilan ng pagtindi ng tensiyon sa pagitan ng China at US.

Ayon sa American Defense Department o Pentagon, nakumpirma na ang spy technology ay nagmamasid sa kanilang teritoryo at agad naman itong ginawan ng pagsusuri.

Read More:  3 Filipino Workers injured in Riyadh blast show signs of recovery

Samantala, sinabi naman ni Pentagon spokesperson Brigadier General Pat Ryder nagsasagawa na ang kanilang team ng hakbang para mabigo ang China sa kanilang pakay kahit wala mang nakolekta na datos ang nasabing spy balloon.

Read More:  Five killed in Houthi missile attack on Yemen presidential palace

Matatandaan na halos isang linggong lumipad ang Chinese spy balloon sa himpapawid ng US at Canada noong Pebrero kung kaya’t nagdesisyun si US President Joe Biden na pagbaksakin ito.### HARLIN LUMIBAO, Intern