CAMARINES NORTE- Nagpatupad ng pinaka unang rollback ngayong taon sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis nitong Martes.
Sa kabila nito nananatiling mataas ang presyo sa lalawigan ng Camarines Norte lalo na sa diesel na hanggang P75 pa rin habang sa gasolina naman ay pumapalo hanggang P74.
Sa Shell Mancruz nasa P69. 75 ang kada litro ng fuel save diesel, P75. 25 sa V- power diesel, P72. 30 sa Fuel save gasoline at P74 sa kanilang V- power gasoline.
Sa Seaoil, P69. 75 ang kada litro ng diesel, P70. 20 sa Extreme U at P71. 60 sa Extreme 95.
Sa Ptt gasoline station nasa P68. 75 ang kada litro ng kanilang blue diesel, P70. 10 sa Blue Gasoline 93+ at P70. 70 naman sa kanilang Blue Gasoline 95+.
Umaabot naman sa P69. 75 ang kada litro ng diesel sa Petron Pandan, P72. 30 sa Xtra advance, P73. 10 sa XCS at P71. 35 sa turbo diesel.
Sa katapat nitong Phoenix petroleum ay nasa P69. 75 din ang kada litro ng diesel, P 72. 01 sa supped unleaded habang P73. 01 naman sa premium.
Sa petro gazz Basud nasa P66. 20 sa GDZL Power, P67. 70 ang GPrime91 at P68. 20 sa GPremium.
