DICT, walang planong palawigin ang deadline para sa SIM registration

Walang plano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang deadline para sa SIM registration sa ngayon.

Ayon kay DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, bumaba na ang bilang ng mga reklamo at patuloy din umano ang kanilang information drives.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Nabatid na nakatanggap ang Inter-Agency Response Center (IARC) ng kabuoang 1,263 na mga reklamo mula sa kanilang 24/7 hotline 1326 para sa SIM registration mula December 27,2022 hanggang sa ngayon.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Samantala, sinabi naman ng National Telecommunications Commission (NTC) Officer-in-charge Ella Blanca Lopez na patuloy na pinagaganda ng telcos ang kanilang sistema para maiwasan ang mga bagong problema.