Dating opisyal ng BOC, itinalagang bagong administrator ng Office of Civil Defense

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong administrator ng Office of Civil Defense ang dating Deputy Commissioner for Enforcement Group ng Bureau of Customs na si Ariel Nepomuceno.

Kinumpirma ito ng Malacañang kahapon at ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga larawan ni Nepomuceno na nanumpa sa pwesto sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Si Nepomuceno ay kabilang sa mga opisyal ng BOC na inakusahan ni Sen Panfilo Lacson noong 2017 dahil umano sa pagtanggap ng “tara” o payola mula sa mga smugglers.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Si Nepomuceno ay muling itinalaga sa BOC ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte noong November 8, 2017, halos tatlong buwan pagkatapos niyang ihain ang kanyang courtesy resignation upang bigyang-daan ang bagong pamunuan ni Isidro Lapeña, na humalili bilang BOC commissioner pagkatapos ni Nicanor Faeldon.