Pagpapaputok sa designated area, pinaalala ng BFP

NAGA CITY – Muling ipinaalala ng Bureau of Fire Protection ng San Jose, Camarines Sur ang paggamit ng firecrackers bilang pagdiriwang sa ngayong Bagong Taon na magpaputok lamang sa mga designated area o mga lugar na inilaan para maiwasan ang mga aksidente.

Ito ang paki-usap ni SFO1 Enrison Macaraig, Chief Fire Safety Enforcement Unit ng San Jose Fire Station ng makapanayam ng Brigada News FM Naga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, kung susundin ang Republic Act 7183 na nagsasabing dapat may designated area o may firecrackers zone ang bawat bayan na ibibigay ng Lokal na Pamahalaan, sa ngayon kasi wala pang inilaan ang naturang Pamahalaan at wala pa ring nagtitinda ng mga paputok sa bayan at hindi rin maiiwasan na may mga magpapaputok na lang kung saan-saan. Ang paalala na lamang ng BFP na siguraduhing malayo sa tao o bahay at kailangang may distansya o espasyo habang nagpapaputok bilang pag-iingat at iwas aksidente lalo na para sa mga bata.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte