Lunsod ng Legazpi, pinakamataas pagdating sa accomplishment rate ng mga fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 – DOH Bicol

Nangunguna ang lunsod ng Legazpi sa may pinakamataas na accomplishment rate ng mga fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 kumpara sa iba pang mga lunsod sa buong rehiyon dahil ito ay umabot na sa mahigit siyamnapung porsyento ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos ng ahensiya, makikitang 115.42% na ang mga may kumpletong bakuna laban sa nabanggit na sakit, kung saan mahigit isangdaan at apatnapung libo na sa pitumpung porsyento ng target na populasyon ang nababakunahan.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Maliban pa rito, mahigit isangdaan at pitumpung libo na rin ang nababakunahan ng ikalawang dose at ng Jansen sa nabanggit na lunsod.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Sumunod sa Legazpi ang lunsod ng Masbate, Naga, Sorsogon, Tabaco, Iriga na pawang nasa mahigit siyamnapung porsyento habang pinakamababa naman dito ang Ligao City na nasa 89.15% lamang.

Samantala, angunguna rin ang lalawigan ng Albay pagdating sa coverage rate ng mga nabakunahan sa COVID-19.