Pag-ban sa pagpapatupad ng ‘no tuition no exam policy’ isinulong sa Senado

Isinusulong ngayon sa Senado na pagbawalan ang pagpapatupad ng mga pribadong paaralan sa ‘no tuition, to exam policy’.

Alinsunod sa panukalang ‘No permit, no exam prohibition act’ na inindorso ng Senate committee on higher education at committee on basic education, mahaharap sa multa mula P20,000 hangang P50,000 sa bawat paglabag ang mga educational institutions na pipigilan makakuha ng pagsusulit ang mga estudyanteng hindi pa nakakabayad sa kanilang tuition fee.

Read More:  VP Sara commends 79IB after Negros Occidental clash

Saklaw ng panukala ang lahat ng mga elementary at high school pati na ang mga vacational schools sa bansa.

Subalit para maging patas sa paaralan nakasaad sa Senate bill 1359 na maaring papirmahin ang estudyante ng promisory note na nakalagay kung kailan siya maaring makabayad ng kanyang bayarin sa paaralan.

Read More:  Ombudsman moves to freeze Martin Romualdez assets, AMLC probe begins

Pinapayagan din sa batas ang mga paaralan na magpataw ng hangang 6% na interest per anum sa mga school fees.

Binibigyan din ng karapatan ang mga eskwelahan na hindi magbigay ng certification, clearance at tanggihan ang muling pagpapa enroll ng mga estdyante hangga’t hindi nakakabayad ng kanilang bayarin sa paaralan. //MPT