PNP, handang magbigay ng seguridad kay Bantag , habang hinaharap ang kaso

Handang magbigay ng seguridad ang Philippine National Police kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag habang hinaharap ang kasong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng pamamaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Matatandaan na bukod kay Bantag, ipinagharap din ng kasong murder o pagpatay sina National Bilibid Prison Supt. Ricardo Zulueta, Denver Mayores na galing ng Iwahig Prison at trusted aide ni Bantag, Alvin Labra, Batang City Jail commander, Aldrin Galicia, Sputnik Gang commander, at Happy Go Lucky commander Alfie Peñaredonda.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa panayam sinabi ni PNP Chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr., na ang pagbibigay seguridad kay Bantag ay upang manatili ang kumpiyansa nito na siya ay mapo-protektahan hanggang sa masagot niya ang lahat ng alegasyon laban sa kaniya.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Nanawagan rin ang PNP chief na harapin ni Bantag at iba pang sangkot ang kasong isinampa laban sa kanila upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay Lapid. //MPT