Colanggo, inihayag na mananatiling testigo vs De Lima re: Drug charges

Inihayag ng convicted drug dealer na si Herbert Colanggo na mananatili umano siyang testigo para sa gobyerno, kaugnay sa drug charges na inihain laban kay dating Senator Leila de Lima.

Mababatid na si Colanggo ay dinala sa Muntinlupa Regional Trial Court kahapon, ilang oras bago ang paglilitis sa kaso ni De Lima noong Lunes.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Hindi naman malinaw kung anu ang layunin nito sa pagpunta sa korte, sa harap na hindi pa naman siya ipinapatawag.

Matatandaan na naghain ang gobyerno ng tatlong conspiracy to commit illegal drug trade charges laban sa dating senadora, pero isa sa mga kaso ay naibasura na ng Muntinlupa RTC noong February 2021 dahil sa mahinang ebidensya.

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Una nang itinanggi ni De Lima ang lahat ng mga kaso, at sinabing ang mga ito ay politically motivated, dahil sa kanyang pagbatikos sa drug killings noong Duterte administration. //MPT