PH, nagtala ng 6,346 new COVID case mula Oct 31-Nov 6

Naiulat ng Pilipinas ang 6,346 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, mula October 31 hanggang November 6, 2022, na may daily average cases na umaabot pa sa 907.

Sa latest weekly bulletin, sinabi ng Department of Health na kabuoang 243 na karagdagang verified COVID-19-related deaths ang naitala sa bansa.

Ang naturang fatalities ay namonitor mula March 2021 hanggang sa unang linggo ng Nobyembre nitong taon.

Lumalabas din sa datos ng DOH, na 640 ang severe at critical cases na naadmit sa mga ospital dahil sa COVID-19 as of November 6.

Sa 2,437 intensive care unit (ICU) beds, 503 o 20.6% ang okupado, habang 5,145 o 24.3% sa 21,281 non-ICU COVID-19 beds ay kasalukuyang ginagamit. //MPT