Bantag, Zulueta, hinimok na sumuko na

Hinimok ng mga otoridad si suspended Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag at si BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta na sumuko na, matapos maihain ang murder complaints laban sa kanila at sa iba pa, kaugnay sa pagpatay kay Percival “Percy Lapid” Mabasa, at sa umano’y middleman sa krimen.

Read More:  Bantay Senado holds first barangay assembly on VP Sara impeachment trial

Mababatid na pinangalanan si Bantag bilang “mastermind” na nagbigay ng utos para sa pagpatay kay Mabasa at sa umano’y middleman na si Cristito Palaña o kilalang si Jun Villamor.

Si Zulueta ang nagdala sa naturang kautusan sa mga tao na gumawa sa pagpatay.

Read More:  Carpio says detained senators should not be counted in senate votes

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, na kung talagang inosente ang mga ito, ay kakatigan sila ng batas, pero sakali namang guilty, ay kailangan nilang harapin ang kaso.

Sinabi ni Remulla, na si Zulueta ay nasa apat hanggang limang araw nang nagtatago. //MPT