Dalawang lalaki na sangkot sa dog meat trade, arestado sa Candaba Pampanga

Arestado sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Pampanga, ang dalawang lalaki na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng mga karne ng aso sa bayan ng Candaba.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Nag ugat ang operasyon matapos ang ipinaabot na impormasyon ng Animal Kingdom Foundation o AKF hinggil sa ilegal na gawain ng mga naarestong suspek.

Na-rescue naman ng mga otoridad ang 6 na AsPin, na itinurn-over ang pangangalaga sa AKF.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 8485 as amended by RA 10361 o ang The Animal Welfare Act of 2017.