Tiniyak ni Mabalacat city Mayor Cris Garbo na tutulong ang city government, para mas mapadali ang paghahanap sa 5 napaulat na missing person sa kanilang syudad.
Ito ang tiniyak ni Mayor Garbo sa kaanak ng mga nawawala, kasunod ng naging pagpupulong nila ngayong araw.
“Huwag po masyado mag-alala. Ang pamahalaan po ng Mabalacat ay nasa likod ninyo at hindi po tayo titigil sa paghahanap,” ayon kay Garbo.
Kinilala ang mga nawawala na sina FINEST NATHANIEL MENDOZA, 37 anyos; NOMER GONZALES, 59 years old; JONJON FLORES, 28 years old; ALEXANDER EUPERIO, 45 years old; at isang kinilala lang sa alyas “Warlie.”
Sina Mendoza, Gonzales at Flores ay residente ng Mabalacat habang taga Angeles city naman si Euperio.
Sinasabing dinukot umano ang mga ito ng armadong kalalakihan sa Pineda Compound sa bgy Dau noon pang August 21.
Sa ngayon inatasan na ni Mayor Garbo ang pulisya na paigtingin pa ang paghahanap, at makipag-ugnayan na rin sa iba pang police station sa lalawigan at ibang law enforcement agency, para mapabilis ang paghahanap sa mga ito.
