5 pang baboy, isinailalim sa depopulation sa Sta Magdalena

SORSOGON CITY – Umaabot na sa 44 na baboy ang isinailalim sa depopulation dahil sa African Swine Fever (ASF) virus sa bayan ng Sta Magdalena, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng opisyal ng Municipal Agriculture’s Office na si Rommel Ganyas, sinabi nito na lima pang baboy ang kanilang pinatay kahapon sa pamamagitan ng electric stunning.

Una nang napaulat noong nakaraang linggo na 39 na baboy ang isinailalim sa depopulation matapos na lumabas ang resulta ng eksaminasyon sa tatlong blood samples ng baboy na nagpositibo sa ASF virus.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kasabay nito, nagsagawa din ng disinfection ang opisina ng Provl Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. John Ashley De Castro.

Kinumpirma naman sa Brigada News ni mayor Mark Jewery Lozano na ngayong araw, Setyembre 6 nila ipapamahagi ang P5K na cash assistance sa mga apektadong hog raisers.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kaugnay din nito, ang Provincial Govt ay magbibigay din ng cash assistance sa mga apekatadong hog raisers, kung saan ang pondo ay kukunin sa calamity fund.

Patuloy naman ang ginagawang checkpoint ng Sta Magdalena MPS sa pangunguna ng hepe na si PLt Dennis Detoito kung saan mahigpit na binabantayan ng mga ito ang labas-pasok ng mga sasakyan at baboy sa nasabing lugar.

Ayon kasi sa mga eksperto, malakas makapinsala ang ASF dahil siguradong mamamatay ang baboy na mahahawa nito.